Wednesday, 30 January 2019

UNANG DIGMAANG PANDAIGDIG

MGA SANHI NG UNANG DIGMAANG PANDAIGDIG Nasyonalismo-Ang damdaming nasyonalismo ay nagbunsod ng pagnanasa sa mga tao upang maging malaya ang kanilang bansa.Kung minsan,ito ay lumalabis at nagiging panatikong pagmamahal sa bansa. IMPERYALISMO-Isa itong paraan para mang angkin ng mga kolonya at pagpapalawak ng pambansang kapangyarihan at pagunlad ng mga Bansa. MILITARISMO-Upang mapangalagaan ang kani-kanilang teritoryo,Kinakailangan ng mga bansa ng mga mahuhusay at malalaking hukbong sandatahan sa lupa at sa karagatan. PAGBUO NG ALYANSA-Dahil sa inggitan,paghihinalaan at lihim na pangamba ng mga bansang makapangyarihan,Dalawang magkasalungat na Alyansa ang nabuo,ito ang Triple Entente at ang Triple Alliance. TRIPLE ALLIANCE-Germany,Austria-Hungary,Italy at Ottoman. TRIPLE ENTENTE-France,Great Britain,Russia. ANG PAGSISIMULA AT PANGYAYARI SA UNANG DIGMAANG PANDAIGDIG 1.DIGMAAN SA KANLURAN-Dito naganap ang pinakamainit na labanan noong Unang Digmaang Pandaigdig.Ang bahaging nasakop ng digmaan ay mula sa hilagang Belhika hanggang sa hangganan ng Switzerland. 2.DIGMAAN SA SILANGAN-Lumusob ang Russia sa Prussia(Germany sa kasalukuyan)sa pangunguna ni Grand Duke Nicholas,pamangkin ni Czar Nicholas II.Ngunit nang dumating ang saklolo ng Germany,natalo ang hukbong Russia sa digmaan ng Tannenberg.Nagtagumpay ang hukbong Russia sa Galicia. 3.DIGMAAN SA BALKAN-Lumuaob ang Austria at tinalo ang Serbia pagkaraan ng ilang buwan.Upang makaganti ang Bulgaria sa pagkatalo,sumapi ito sa Central Powers noong Oktubre,1915.Noong taong 1916,karamihan sa mga estado ng Balkan ay napasailalim na ng Central Powers. 4.DIGMAAN SA KARAGATAN-Sa unang bahagi ng digmaan ay nagkasubukan ang mga hukbong pandagat ng Germany at Great Britain.Naitaboy ng mga barkong pandigma ng Germany mula sa Pitong Dagat(Seven Seas)ang lakas pandagat ng Great Britain.Dumaong ang bapor ng Germany sa Kanal Kiel at naging mainit ang labanan.


RAIDER AT U-BOAT-Ginamit ng Germany na nakagawa ng malaking pinsala sa Britain. MGA NAGING BUNGA NG UNANG DIGMAANG PANDAIGDIG Matinding pinsala ang naidulot ng Unang Digmaang Pandaigdig sa buhay At Ari-arian.Tinatayang umabot sa 8 500 000 katao ang namatay sa labanan.Nasa 22 000 000 naman ang tinatayang nasugatan.Samantalang 18 000 000 ang sibilyang namatay sa gutom,sakit at paghihirap.

No comments:

Post a Comment